Dalawa ang kritikal matapos magpagulong-gulong at bumangga sa bakod ng isang bahay ang isang ambulansiya na may iniwasang kasalubong na motorsiklo sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, na iniulat din sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing tumilapon ang isang sakay nito dahil sa tindi ng pagbangga.

Base sa ulat ng pulisya, nagmula sa Pinamalayan at papunta ng Calapan City ang ambulansiya.

Matapos umiwas sa kasalubong na motorsiklo, nawalan na umano ng kontrol ang ambulansiya.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente. — Jamil Santos/DVM, GMA Integrated News