Sa halip na thrill, takot ang naranasan ng mga sumakay sa isang roller coaster matapos itong tumirik sa Osaka, Japan. Ang 32 sakay nito, ligtas namang naibaba.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing halos isang oras tumirik ang “Flying Dinosaur” sa taas na 40 metro at naiwang nakabitin ang mga pasahero.

Bukod sa ligtas na naibaba ang mga sakay, wala ring nasaktan sa insidente.

Taong 2018 nang tumirik din ang nasabing ride at nabitin ang mga pasahero sa loob ng dalawang oras. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News