Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Occidental Mindoro nitong Martes ng hapon, na naramdaman sa ilang lalawigan maging sa Metro Manila.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic in origin ang lindol sa lalim na 60-kilometro sa Lubang Island.
Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V
Lubang, Occidental Mindoro;
Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity IV
City of Makati;
Quezon City;
City of Taguig;
City of Malolos, City of Meycauayan, Obando, and Plaridel, Bulacan;
Floridablanca, Pampanga;
San Jose, Batangas; at
City of Tagaytay, Cavite.
Intensity III
City of Caloocan;
City of Pasig;
Cuenca,and Talisay, Batangas;
Cities of Bacoor and General Trias, Cavite;
Rodriguez, Rizal; at
Mamburao, Occidental Mindoro.
Intensity II
City of Marikina;
City of San Jose Del Monte, Bulacan;
Gabaldon, Nueva Ecija;
Lucban, Quezon;
San Mateo, Rizal; at
Odiongan, Romblon.
Intensity I
City of San Fernando, Pampanga;
City of San Pedro, Laguna; and
Mauban, Quezon.
Nasukat ang lakas ng lindol sa Instrumental Intensities:
Intensity V
Magallanes, and City of Tagaytay, Cavite;
Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity IV
City of Malabon;
Guiguinto, and Pandi, Bulacan;
Laurel, Lemery, and San Luis, Batangas; and
City of Calapan, Oriental Mindoro
Intensity III
Quezon City;
Batangas City, Batangas
Intensity I
Lucban, Quezon.
Bagaman walang inaasahang pinsala, sinabi ng PHIVOLCS na posible ang aftershocks.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), walang nakitang pinsala sa runway, taxi pavements, at terminal facilities ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sandali naman itinigil ang operasyon ng mga tren sa Metro Manila dakong 4:30 p.m. dahil sa lindol.
Ipinagpatuloy ng Manila Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), LRT-2, at Philippine National Railways (PNR) ang kanilang mga biyahe dakong 5 p.m. — FRJ, GMA Integrated News