Nakamit ang isang pambihirang tagumpay sa larangan ng medisina matapos maisagawa ang whole-eye transplant sa kauna-unahang pagkakataon sa Amerika.
Sa ulat ng Saksi, sinabing kabilang ang whole eye transplant sa isinagawang pagsasaayos ng mukha ng isang military veteran na nadisgrasya sa trabaho.
Bago ang operasyon, ang cornea pa lang ang parte ng mata ng pasyente ang sumailalim sa transplant.
Anim na buwan makalipas ang operasyon, hindi pa nakakakita ang transplanted eye ng pasiyente, ngunit may mga palatandaang maayos ang kondisyon nito.
Ikinatuwa ng surgical team ang resulta at ang marami pang posibilidad na eye transplant sa hinaharap. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News