Isang mananaya ang mapalad na nasolo ang mahigit P147 milyon jackpot prize matapos matamaan ang lumabas na mga numero sa Super Lotto 6/49 draw nitong Linggo, Oktubre 15, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isa ang nanalo sa Super Lotto 6/49 matapos mahulaan ang lumabas na mga numero na 47-35-02-13-38-17.

Umabot ang kabuuang premyo nito sa P147,354,716.40.

Sa Facebook page ng PCSO, nakasaad na mayroong 40 mananaya ang tumama ng 2nd prize na may premyong P50,000.00.

LOTTO RESULTS

Samantala, wala naman tumama sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58, na ang lumabas na mga numero ay 56-53-40-06-35-42, at may premyong P49,500,000.00.

Gayunman, mayroon namang dalawang nanalo ng 2nd prize na may katumbas na premyong P120,000.00.--FRJ, GMA Integrated News