Tiyak nang sasabak sa 2024 Paris Olympics ang Pinoy Olympian at boxer na si Eumir Marcial matapos niyang talunin via knockout ang katunggali niyang Syrian sa semifinal bout ng men's 80kg division sa 19th Asian Games nitong Miyerkules sa Hangzhou, China.

Pinatumba ni Olympic bronze medalist na si Marcial ang Iranian na si Ahmad Ghousoon sa 1:49 ng second round ng kanilang laban para umabante sa finals.

Dahil sa panalo, sigurado na si Marcial na makakakuha ng silver medal sakaling mabigo siya sa kaniyang makakalaban sa finals na si Tanglatihan Tuohetaerbieke ng China.

Gaganapin sa Huwebes ang pag-asinta ni Marcial para sa gintong medalya.

Samantala, ikalawang sunod na pagpasabak na ni Marcial ang 2024 Olympics. Makakasama niya rito sina EJ Obiena, Carlos Yulo, at Aleah Finnegan.—FRJ, GMA Integrated News