Patay ang isang security guard matapos madamay sa engkuwentro ng mga pulis at isang motorcycle rider sa Caloocan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa Rizal Avenue nang dumaan ang rider na mabilis ang patakbo at nagtangkang lumusot.

Sa kuha ng CCTV, kitang natumba ang rider nang pigilan siya ng mga pulis. Maya-maya pa ay nauwi na sa barilan ang eksena.

Dead on the spot ang isang security guard ng bangko matapos siyang madamay sa barilan.

Wala pang impormasyon mula sa pulisya tungkol sa rider at nasawing guwardiya. —KBK, GMA Integrated News