Itinalaga ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang bagong pinuno ng Land Transportation Office (LTO) si Atty. Vigor Mendoza.
Ayon sa Presidential Communications Office, ang puwesto ni Mendoza bilang LTO chief ay katumbas ng posisyon ng assistant secretary.
Sinabi ni Mendoza sa GMA News Online na magkakaroon ng turnover ceremony sa LTO sa Lunes, July 24.
Pinalitan ni Mendoza sa puwesto si Atty. Hector Villacorta, na nagsilbing office-in-charge.
Samantala, pinanatili naman ni Marcos si Philippe Lhuillier bilang Philippine Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to Spain, ayon pa rin sa PCO.
Ang iba pang bagong talaga sa puwesto ay sina:
Arturo Trinidad II - Director II, Department of Finance
Moises Tamayo - Director II, Department of Justice
William Quinto - Director II, Department of Energy
Jesus Elpidio Atal - Director IV, Department of Labor and Employment
Joselito Caballero - Director III, Department of Public Works and Highways
— FRJ, GMA Integrated News