Binigyang-pugay ang pinakamatanda sa apat na nananatiling buhay na World War II veterans sa Pilipinas, na nagdiriwang din ng kaniyang ika-100 kaarawan.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao sa GTV News "Balitanghali" nitong Miyerkoles, kinilala ang war veteran na si Teofilo Gamutan o Lolo Filo, na nagsilbing Commanding Officer sa giyera.
Kasama ni Lolo Filo ang kaniyang mga kaanak at malalapit na kaibigan para sa naturang pagdiriwang.
Nakasuot ng mga barong at baro’t saya ang mga bisita, kabilang si Vice President Sara Duterte.
Itinampok din sa naturang pagdiriwang ang libro at photo gallery tungkol sa buhay ni Lolo Filo.
Pinasalamantan naman ni Duterte si Lolo Filo sa kaniyang ginagawang pagsisilbi para sa bayan. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News