Magkakaroon na rin ng kakayahang makapag-video at audio call ang Twitter, ayon sa pahayag ni Elon Musk, ang bagong nagmamay-ari ng platform.
Batay sa ulat ng Reuters nitong Miyerkoles, sinabi nang Twitter boss sa isang tweet na, "Coming soon will be voice and video chat from your handle to anyone on this platform."
"So you can talk to people anywhere in the world without giving them your phone number," dagdag niya.
Ayon pa kay Musk, sisimulan na ng platform ang pag-encrypt ng direct messages lalo na ang pagseseguro ng privacy ng contents sa Twitter platform.
Isa lamang ang mga feature na ito sa Twitter sa mga pagbabagong inilunsad ni Musk mula nang mabili niya ang platform noong nakaraang taon sa halagang $44 billion. —LBG, GMA Integrated News