Pumanaw na ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison, na nasa self-exile sa Netherlands, sa edad 83.

Ito ang inanunsyo ng CPP chief information officer na si Marco Valbuena.

“Prof. Jose Ma. Sison, founding chair of the Communist Party of the Philippines, passed away at around 8:40 p.m. (Philippine time) after two weeks of confinement in the hospital,” sabi ni Valbuena.

“The Filipino proletariat and toiling people grieve the death of their teacher and guiding light,” dagdag niya.

Itinatag ni Sison, isang aktibista, ang makakaliwang rebolusyonaryong organisasyon na CPP noong Disyembre 1968.

Limang dekada nang inilulunsad ng CPP ang pagrerebelde laban sa gobyerno, kasama ang armadong grupo nitong New People’s Army (NPA) and political arm National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

"May God have mercy on his soul," ang sabi naman ni Vice President Sara Duterte sa isang pahayag. — DVM, GMA Integrated News