White Christmas ang tema ng mga palamuti sa Dapitan City, Zamboanga del Norte ngayong Pasko.

Sa ulat ng “Unang Balita,” dagdag atraksyon din sa publiko ang fire dance at fireworks display sa naturang lugar.

Libreng nakapwesto ang mga nagtitinda ng pagkain malapit sa City Hall ng bayan. Hakbang raw ito ng lokal na pamahalaan para tulungan silang makabangon sa pandemya.

Sa General Santos City naman, eco-friendly ang kanilang Christmas Village dahil gawa sa recycled bottles at cellophane, bisikleta, niyog ang kanilang mga palamuti.—Mel Matthew Doctor/LDF, GMA Integrated News