Arestado ang walong lalaki sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng gabi matapos silang mahuli sa isang operasyon laban sa online sabong.
Ayon sa Manila Police District Public Information Office, sinalakay ng kanilang Special Operations Unit ang Asuncion Public Market at doon tumambad ang nasabing ilegal na sugal.
Kinumpiska ng mga awtoridad ang mga gamit na pang-sugal kabilang ang computer at pati na ang mga taya na aabot sa P2,000.
Sinusubukan pa ng GMA News na kunin ang pahayag ng mga naaresto. —KG, GMA News