Arestado ang isang lalaki dahil sa panghihipo umano ng ilang babae sa Las Piñas City.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, sinabing aabot sa siyam na babae ang nabiktima umano ng suspek na si Clinton Velarde.

Ayon sa mga awtoridad, nakasakay sa motorsiklo si Velarde at lalapitan ang target na babae na nagja-jogging sa umaga.

Kunwaring may itatanong ang suspek at saka niya hahawakan ang maselang bahagi ng katawan ng biktima.

May nakuha rin umanong baril at mga bala sa suspek na hindi na nagbigay ng pahayag, ayon pa sa ulat.--FRJ, GMA News