Inilabas na ng Malacañang nitong Martes ang listahan ng regular holidays at special non-working days sa 2023.
Pinirmahan ni Executive Secretary Victor Rodriguez ang Proclamation No. 42 nitong Agosto 22, na nadedeklara ng regular holidays sa susunod na taon:
- New Year's Day - January 1
- Araw ng Kagitingan - April 9
- Maundy Thursday - April 6
- Good Friday - April 7
- Labor Day - May 1
- Independence Day - June 12
- National Heroes Day - August 28
- Bonifacio Day - November 30
- Christmas Day - December 25
- Rizal Day - December 30
Nasa listahan naman ngspecial non-working days ang mga sumusunod:
- EDSA People Power Revolution Anniversary - February 25
- Black Saturday - April 8
- Ninoy Aquino Day - August 21
- All Saints' Day - November 1
- Feast of the Immaculate Conception of Mary - December 8
- Last Day of the Year - December 31
- Additional Special Non-Working Day - November 2
Nakasaad din sa proklamasyon na ang pagdedeklara ng national holidays sa paggunita ng Eid'l Fitr at Eid'l Adha ay ilalabas pagkaraan na matukoy ang petsa sa Islamic calendar, o lunar calendar, o batay sa Islamic astronomical calculations, o alinman sa mga ito.
Inaatasan ang Labor department na magpatupad ng mga panuntunan para sa nasabing proklamasyon.—FRJ, GMA News