Patuloy ang pagsadsad ng halaga ng piso laban sa dolyar. Nagsara ang palitan nitong Martes sa P56.37:$1, ang pinakamahina ng piso sa loob ng 17 taon.

Sa kalakalan nitong Martes, nalagasan na naman ng 39.1 sentimos ang halaga ng piso laban sa dolyar. Nitong Lunes, nagsara ang palitan sa P55.979:$1.

Ang palitan nitong Martes ang weakest performance ng piso sa nakalipas na 17 taon. Noong November 5, 2004, nagsara ang palitan sa P56.375:$1.

Samalya rin ang piso sa intraday low na P56.45:$1, at natapan ang record low na naabot ng local currency laban sa dolyar noong October 14, 2004.

Iniuugnay ni Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) chief economist Michael Ricafort ang paghina ng piso sa paglabas ng pinakabagong trade data na nagpapakita ng mas malawak na deficit noong Mayo.

“It is interesting to note that back in 2004-2005, the high was capped at P56.40 levels for about two years,” pahayag niya sa mobile message.

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakasaad na nasa $5.678 bilyon ang trade deficit nitong Mayo, mas mataas mula sa $5.438 bilyon noong April.

Binanggit din ni Ricafort na may kaugnayan sa paghina pa ng piso ang paglakas ng US dollar laban sa iba pang major global currencies tulad ng euro at Japanese yen, kasunod na rin ng senyales sa ginagawa ng Amerika sa kanilang US Federal Reserve. — FRJ, GMA News