Patay ang dalawang katao habang dalawa pa ang sugatan matapos bumagsak ang isang elevator na kinukumpuni sa isang building sa Makati City nitong Biyernes.
Base sa inisyal na ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), bumagsak ang isang elevator car mula sa ika-38 na palapag dakong 2:55 am habang nagkukumpuni naman ng elevator sa ika-anim na palapag ang mga biktimang sina Manuel Linayao at Rey Miguel Gilera.
LOOK: Ilang mga tagpo sa nangyaring rescue at retrieval operations sa dalawang nasawi at dalawang nasugatan sa pagbagsak ng elevator ng Burgundy Corporate Tower sa Makati City. | via @jhomer_apresto
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 8, 2022
????: Makati City-Bureau of Fire Protection pic.twitter.com/AXfRlmqrLw
Sugatan naman ang dalawa pang biktima na mga elevator installer.
“The abovementioned victims/deceased and with two other elevator installers... were fixing an elevator at 6th Floor when suddenly an elevator [coming] from 38th Floor accidentally fell to basement that resulted [in] the death of herein victims and injured two others," ayon sa pahayag ng pulisya.
Base naman sa report ng Bureau of Fire Protection, nirespondehan ng Special Rescue Force - Makati ang insidente bandang 03:46 a.m. at ipinadala pa ang isang karagdagang ambulansya bandang 06:44 a.m.
UPDATE: Dalawa ang nasawi habang dalawa rin ang sugatan sa pagbagsak ng kinukumpuning elevator ng Burgundy Corporate Tower sa Makati City. | via @jhomer_apresto pic.twitter.com/5wN09MEvQv
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 8, 2022
Bukod dito, dumating din ang dalawang rescue truck mula sa SRF ng Makati, ang team ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), at tatlo pang ambulansya.
Ayon sa BFP, isinagawa ang rescue and retrieval operation.
Base sa ulat ni Jhomer Apresto ng Super Radyo dzBB, sinabi ng BFP personnel na sinusubukan pang kunin ang naipit na bangkay ng ikalawang biktima.--Jamil Santos/FRJ, GMA News