Maaari nang humingi ng tulong para sa pagpapalibing, usaping medikal at iba pang social services sa satellite offices ni Vice President Sara Duterte.
Mauna nang inanunsyo ni Duterte ang paglalagay niya ng satellite offices sa ilang rehiyon para makapagbigay ng tulong sa mga tao.
"These established satellite offices across the country will widen the program’s reach and will guarantee a better provision of assistance,” sabi sa pahayag ni Attorney Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte.
Ang mga hihingi ng tulong ay kailangan lang na sundin ang proseso at kompletuhin ang mga rekisito tulad ng:
1. Mag-filled-out ng application form.
2. Isumite ang kompletong rekitos at ang form via walk-in sa satellite office processor/staff.
3. Hintayin na maproseso ang aplikasyon.
4. Kasunod nito ay sasabihin na ng staff o magpoproseso ng apikasyon kung kailan ibibigay ang tulong-- personal o sa pamamagitan ng email.
Maaari din na makita ang kompletong rekisito at proseso ng paghingi ng tulong sa kanilang website.
Sinabi ni Munsayac na hindi lamang sa remote areas magkakaroon ng OVP satellite offices dahil plano raw ni Duterte na, "to open more in hopes to reach more Filipinos throughout the country."
Ang mga kasalukuyang OVP satellite offices ay makikita sa Dagupan (Region 1), Cebu (Region VII), Tacloban (Region VIII), Zamboanga (Region IX), Davao (Region XI), atd Tandag sa Surigao del Sur (Region XIII). —FRJ, GMA News