Aabot sa 30 pamilya ang mawalan ng tahanan sa sunog sa Parola Compound sa Tondo, Maynila madaling-araw nitong Miyerkules.
Sa Ulat ng Unang Balita, sinabing 10 bahay ang nasunog, at wala umanong naiulat na nasugatan o nasawi sa apoy na nagsimula pasado alas-dos ng magaling-araw.
Nagdeklara ng fire out ang Manila Bureau of Fire Protection (BFP) dakong 3:58 ng umaga.
Ayon sa BFP, aabot sa P30,000 ang halaga ng pinsala ng sunog sa mga ari-arian.
Nabulabog umano ang mga residente dahil sa mabilis na lumaki ang apoy.
Kwento ng ilang mga biktima, nasunugan na rin daw sila noong 2017, at ang iba sa kanila ay halos taon-taon umanong nasusunugan.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng apoy habang inaayos ang evacuation center para sa mga biktima. —LBG, GMA News