Ang broadcast journalist na si Erwin Tulfo ang napili ni president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na mamumuno sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Inanunsiyo ito ni incoming Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles, sa press briefing nitong Lunes ng hapon.
Ayon kay Cruz-Angeles, tinanggap ni Tulfo ang nominasyon kasama ang iba pang personalidad na inalok ni Marcos ng posisyon sa gobyerno.
Si Tulfo ay kapatid ni senator-elect Raffy Tulfo.
Ang spokesperson ni vice president-elect Sara Duterte na si Liloan Mayor Cristina Frasco, ang napili naman ni Marcos na mamumuno sa Department of Tourism.
Ang iba pang nabigyan ng posisyon ay sina Naida Angping bilang Presidential Management Staff (PMS), Amenah Pangandaman sa Department of Budget and Management (DBM), at Atty. John Ivan Enrile Uy, para sa Department of Information and Communications Technology (DICT). --FRJ, GMA News