Mariing pinabulaanan ni WBO bantamweight champion John Riel Casimero ang alegasyon na mayroon umano siyang minolestiyang babaeng menor de edad.
Ang sinabing reklamo laban sa Pinoy boxing champ ay may kaugnay umano sa kasong “acts of lasciviousness" at paglabag sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), dahil 17-anyos ang sinasabing biktima.
READ: Casimero, inireklamo ng acts of lasciviousness; kampo ng boxer, pumalag
Noong nakaraang taon umano nangyari ang insidente sa isang hotel pero nitong nakaraang Pebrero lang isinampa ang reklamo laban kay Casimero.
"I vehemently deny any accusations thrown at me regarding a blotter concerning an alleged female minor and vow to clean my name for not only myself and my family, but also my country, the Philippines," sabi ng boksingero sa inilabas niyang pahayag.
Idinagdag ni Casimero na wala pa siya, at ang kaniyang legal team, na natatanggap na anumang reklamo mula sa korte tungkol sa nasabing alegasyon laban sa kaniya.
"I have been instructed by my legal team to not directly address any news media outlets due to the fact that to date, there has not been any criminal charges brought forth for me or my legal team to respond to," saad niya sa pahayag.
"But being that my name has been defamed, slandered, and surrounded by fabricated stories circulated by journalists and vloggers whose only intention is to destroy my good name as the WBO World Champion representing the Philippines, I believe I have the right to state my truth and allow truth to prevail," patuloy ni Casimero.
Una nang sinabi ng kapatid at trainer ni Casimero na si Jayson, na gawa-gawa lamang ang alegasyon laban sa kampeon.
Kilala raw nila kung sino ang nasa likod nito.
Kasalukuyang nasa Amerika si Casimero at nagsasanay para sa nakatakdang sagupaan nila ni Paul Butler sa Abril 22. — FRJ, GMA News