Inihayag ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na susunduin sana siya sa Balesin island ng bumagsak na helicopter ng PNP sa Real, Quezon.

Sa isang pahayag, ikinalungkot ni Carlos ang insidente na nagresulta sa pagkamatay ng isang pulis at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Ayon kay Carlos, naka-"private time" siya sa Balesin at nagpasundo siya sa PNP chopper sa naturang lugar nang magkaproblema sa schedule ang pribadong sasakyan na orihinal na dapat na susundo sa kaniya.

"The following day, Sunday afternoon I traveled to Balesin island for private time and scheduled to return Monday morning via private transport," anang opisyal.

"However, I was informed that due to unforeseen circumstances, said private transport would only be available in the evening of Monday," patuloy ni Carlos.

Dahil dito, humiling siya ng "admin flight" sa PNP para masundo siya at makapagtrabaho sa Camp Crame.

"This prompted me to request for an admin flight to transfer/move me back to Camp Crame Monday morning so I can perform my duties. The flight directive was allowed and issued following PNP rules and regulations," ayon kay Carlos.

Sinabi ng opisyal na magkakaroon ng masusing imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Una rito, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, na maaaring gamitin ni Carlos ang chopper bilang pinuno ng PNP.

“Yes he’s the CPNP. And as the CPNP attending to official functions, it is just rightful for him to use the PNP chopper,” anang kalihim. —FRJ, GMA News