Kasabay ng pagdududa sa pagkakaantala ng pagsasapubliko ng Commission on Elections (Comelec) First Division sa desisyon sa disqualification case laban sa kandidatura ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr., inihayag ni Commissioner Rowena Guanzon, na bumoto siya pabor sa pagdiskuwalipika sa dating senador sa Eleksyon 2022.

Sa panayam ng GMA News na ginawa sa UP College of Law kung saan siya nagtapos, ipinaalam ni Guanzon ang kaniyang boto at naniniwala raw siya na, "may moral turpitude talaga based on evidence and the law," patungkol sa dating kaso ni Marcos na may kaugnay sa pagbabayad ng buwis.

"Kaya nga ito nangyayari lahat eh dahil ang boto ko is DQ (disqualified) si Marcos Jr. Sa tingin ko may moral turpitude talaga based on evidence and the law. I will not keep it a secret. That is the reason why this is happening," ani Guanzon, na nakatakdang magretiro sa February 2.

Sabi pa niya, isinumite na niya ang kaniyang opinyon sa dalawa pang kasama sa First Division na sina Aimee Ferolino at Marlon Casquejo—at pati na sa iba pang commissioner ng Comelec.

Aniya, si Ferolino ang ponente o susulat ng desisyon sa kaso.

Pero ayon kay Guanzon, may may natatanggap siyang impormasyon na may kumikilos para maimpluwensiyahan ang mga commissioner.

"Parang unreasonable na yung delay. Ang kutob ko talaga may nakikialam na eh. May nakikialam na. Some people are trying to influence the commissioners. Yun ang ayaw ko," sabi ni Guanzon sa GMA News.

Ayon pa sa opisyal, "Malakas ang kutob ko based on information eh. 'Tsaka pag sinabi ko naman ang pangalan nila baka masyado pang maaga. Baka sa Lunes sasabihin ko 'pag hindi pa ito lumabas."

"Ayoko po talagang bigyan ng malisya yung ponente pero sinabi ng commissioner kahapon sa meeting namin, eh bakit yung ibang na-raffle after pa sa Marcos nailabas naman?," patuloy niya.

Para kay Guanzon, dapat maresolba nang mas maaga ang kaso para na rin sa kapakanan ng lahat ng mga kinalaman rito.

Nang tanungin kung may kinalaman sa nalalapit niyang pagreretiro ang dahilan ng pagkakaantala ng paglabas ng desisyon, sabi ni Guanzon, "I already said that the reason is because my vote is to DQ."

"So to knock out my vote they think they can invalidate it by releasing the decision of the ponente after I retire which cannot happen because I already submitted my separate opinion to all of them including the chair and all of the commissioners," paliwanag niya Guanzon.

"That should already be on the record that I voted already. The vote should be counted by the next presiding commissioner after me," dagdag niya.

Ayon kay Guanzon, nais niya na natapos niya ang huling kasong hawak niya sa pag-alis niya sa Comelec.

"I am appealing to them huwag na po kayong makialam para mailabas na ng ponente ang desisyon bukas. Last day na po sa Monday...Magulo na yan pag sa Monday pa nilabas. Conflict na talaga yun. Binigay ko na lahat ng chance and understanding," pakiusap ni Guanzon.

"Tapos na po ako. Tinapos ko na ang trabaho with integrity and with strength of character and faith in the Filipino people," giit niya.

Nang hingan ng komento si Ferolino sa pahayag ni Guanzon, sabi niya, "I'm afraid I cannot comment on the matter because it might be against the sub judice rule."

Sinisikap pa ng GMA News na makuha ang panig ni Casquejo.

Hindi naman nagbigay ng komento ang tagapagsalita ni Marco na si Atty. Vic Rodriguez.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Atty. Howard Calleja, abogado ng mga petitioner laban kay Marcos, sa inihayag ni Guanzon.

"We are deeply concerned being the counsel, this announcement of Commissioner Guanzon does not sit well to the independence and neutrality of the Comelec," saad niya.

"We do want to believe in their mandate to uphold free, fair, honest elections but hopefully this case should be decided fairly without delay or any external pressure and/or influence," dagdag ni Calleja. —FRJ, GMA News