Inilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga lalawigan ng Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Northern Samar sa Alert Level 4.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na magsisimula ito sa Biyernes, January 21 at tatagal hanggang January 31.
Dating nakapailalim sa Alert Level 3 ang apat na nabanggit na lalawigan.
Sa Alert Level 4, ang mga establisimyento ay papayagan lang na mag-operate sa 10% indoor capacity para sa mga fully vaccinated at 30% outdoor capacity.
Bawal dito ang pag-operate ng mga sinehan, contact sports, face-to-face classes (maliban ng aprubado ng gobyerno), amusement parks, at casinos.
Hindi rin papayagan sa intrazonal and interzonal travel ang mga edad 17 pababa at 65-anyos pababa, maliban kung kailangan nilang bumili o kumuha ng essential goods and services.
Samantala, inilagay naman ng IATF sa Alert Level 3 simula January 21 hanggang 31 ang mga sumusunod na lugar:
Luzon
Apayao
Puerto Princesa City
Masbate
Visayas
Siquijor
Mindanao
Zamboanga del Norte
Zamboanga Sibugay
Lanao del Norte
Davao de Oro
Davao Oriental
North Cotabato
Sarangani
Sultan Kudarat
Surigao del Norte
Maguindanao
Basilan
Nauna nang isinailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila at iba pang kalapit nitong lugar na tatagal hanggang sa katapusan ng Enero.
— FRJ, GMA News