Marami ang may planong magpa-booster shot ang hindi natuloy matapos makaranas ng sintomas o kaya naman ay nagpositibo sa COVID-19. Pero kailan nga ba nila puwedeng ituloy ang booster shot matapos gumaling?
Nitong Lunes, naglabas ng checklist ang Department of Health (DOH) ng mga dapat tandaan sa pagpapa-booster shot matapos makaranas ng sintomas o tamaan ng COVID-`19.
- Kung tatlong buwan na ang nakalilipas matapos ang iyong primary series ng AstraZenica, Moderna, Pfiser, Sinovac, o Sputnik, o pagkatapos ng dalawang buwan naman para sa Janssen.
- Natapos mo na ang iyong isolation period
- Maski hindi na naggamot, hindi ka na nilalagnat sa loob ng 24 oras
- Bumuti na ang iyong respiratory symptoms.
Kung tsek sa lahat ng nabanggit, sinabi ng DOH na maaari nang magpabakuna.
Nitong Lunes, iniulat ng DOH na 37,070 ang mga bagong kaso COVID-19 cases sa bansa. Dahil dito, umabot na sa active cases sa 290,938.
Sa mga aktibong kaso, 9,187 ang asymptomatic, 277,020 ang mild, 2,947 ang moderate, 1,480 ang severe at 304 ang critical.
Mayroon namang gumaling na 33,940 na pasyente, at 23 naman ang nadagdag sa mga nasawi.
--FRJ, GMA News