Inihayag ng Malacañang na isasailalim sa Alert Level 3 simula sa January 5 hanggang 15, 2022 ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite at Rizal dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
"Due to a sharp increase of COVID-19 cases in the particular localities, the Inter-Agency Task Force (IATF) approved yesterday, January 3, 2022, the recommendation of its sub-Technical Working Group on Data Analytics to escalate Bulacan, Cavite, and Rizal to Alert Level 3," ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles nitong Martes.
"This shall take effect from January 5, 2022, until January 15, 2022," patuloy niya.
Una nang inilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila mula nitong Lunes, January 3 hanggang January 15, dahil din sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa ilalim ng Alert Level 3, ilang establisimyento ang papayagan lang na mag-operate ng hanggang 30% indoor venue capacity para sa mga bakunado. Habang 50% naman sa outdoor venue pero dapat bakunado ang mga empleyado.
Bawal sa Alert Level 3 ang face-to-face classes, contact sports, funfairs/perya, at casinos, iba pang aktibidad.
Hanggang 60% naman ang papayagan sa mga tanggapan ng gobyerno.
Nitong Lunes, umabot sa 4,084 ang mga bagong kaso ng COVID-19, at halos 25,000 naman ang mga aktibong kaso.--FRJ, GMA News