Kinumpirma ni Director General Dr. Eric Domingo ang kaniyang pagbibitiw bilang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA).
Sinabi ni Domingo sa GMA News Online, na epektibo ang kaniyang pagbibitiw ngayong Lunes, Enero 3, 2022.
Nang tanungin sa dahilan ng kaniyang pagbibitiw, sinabi ng opisyal na, "Wala naman dahilan."
"I think I did my part to help during the pandemic. I'm happy with that but now it is time to move on to other things," paliwanag niya.
Ayon sa DOH Media Team, si Dr. Oscar Gutierrez, ang deputy director general ng FDA, ang magsisilbing officer-in-charge sa binakanteng puwesto ni Domingo.
"Yes. We confirm the resignation of FDA Director General Eric Domingo. Dr. Oscar Gutierrez, Deputy Director General, FDA, was assigned as OIC," ayon sa pahayag. —FRJ, GMA News