Sa ikatlong sunod na araw, hindi uli umabot sa 300 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa datos na inilabas ng Department of Health nitong Huwebes, nakasaad na 289 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantalang 380 na pasyente naman ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, bumababa sa 10,095 ang mga aktibong kaso, o mga pasyenteng patuloy na ginagamot at nagpapagaling.
Sa naturang bilang ng active cases, 3,870 ang "mild," 549 ang "symptomatic," 1,845 ang "severe," at 389 ang kritikal ang kalagayan.
Nadagdagan naman ng 47 ang mga pasyenteng pumanaw, na umaabot na ngayon sa 50,496 ang kabuuang bilang.
Ayon sa DOH, umabot sa 37,139 ang naisagawang COVID-19 tests.
Idinagdag ng DOH na nasa 0.9% ang COVID-19 positivity rate sa bansa, na pasok sa itinakdang positivity rate ng World Health Organization na hindi hihigit sa 5%.
Mayroon umanong apat na laboratoryo ang hindi operational noong December 14, at tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos COVID-19 Document Repository System sa takdang oras.
--FRJ, GMA News