Inihayag na ang Proclamation 1236 ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalaman ng mga holidays, non-working days, at special working days sa 2022.
Sa ikalawang sunod na taon, idineklara ni Duterte na special working days at hindi public holidays ang All Soul's Day (November 2), Christmas Eve (December 24), at huling araw ng 2022 na New Year's Eve (December 31).
Nakasaad sa proklamasyon ang 10 regular holidays at six special non-working days.
Sa 10 regular holidays, lima ang bumagsak sa weekends.
Sa anim na special non-regular holidays, dalawa ang pumatak sa weekends.
Kasama sa regular holidays ang:
- New Year's Day, January 1
- Araw ng Kagitingan, April 9
- Maundy Thursday, April 14
- Good Friday, April 15
- Labor Day, May 1
- Independence Day, June 12
- National Heroes Day, August 30
- Bonifacio Day, November 20
- Christmas Day, December 25 and
- Rizal Day, December 30
Ang mga special non-working days ay ang:
- Chinese New Year, February 1
- EDSA People Power Revolution Anniversary, February 25
- Black Saturday, April 16
- Ninoy Aquino Day, August 21
- All Saints' Day, November 1 and
- Feast of the Immaculate Conception of Mary, December 8
Una rito, ipinaliwanag ng Palasyo na hindi ginawang holidays ang November 2, December 24, at December 31 para matulungan ang ekonomiya at matagal na panahon din ang walang pasok dahil sa pandemya.
— FRJ, GMA News