Mananatili sa Alert Level 3 classification ang National Capital Region (NCR) hanggang November 14, 2021, ayon sa Malacañang.
Sa press briefing nitong Biyernes, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na bukod sa NCR, 10 lugar pa ang isasailalim din sa Alert Level 3 mula November 1 hanggang 14.
Ito ay ang:
- Baguio City (kasama sa special monitoring)
- Bataan
- Cavite
- Laguna
- Rizal
- Iloilo City
- Siquijor
- Lanao del Norte
- Davao City
- Davao del Norte
"Inuunti-unti natin ang pagbaba ng alert system para hindi sumipa ang COVID-19 cases," ayon kay Roque.
Sa ilalim ng Alert Level 3, ilang establisimyento — kabilang ang restaurants, gyms, cinemas at movie houses — ay papayagang mag-operate ng hanggang 30% indoor venue capacity para sa fully vaccinated na mga kostumer, at 50% outdoor venue capacity, basta fully vaccinated ang empleyado.
Sinabi rin ni Roque, na itataas na sa 70 percent operational capacity ang mga pampublikong sasakyan simula sa November 4.
"The DOTR (Department of Transportation) will issue a memo on this," ayon sa opisyal.
Sinabi naman ni Roque na isasailalim sa Alert Level 4 ang Aurora, Bacolod City, Negros Oriental at Davao Occidental.
Nasa Alert Level 2 naman ang mga sumusunod na lugar:
- Angeles City
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Olongapo City
- Pampanga
- Tarlac
- Batangas
- Quezon
- Lucena City
- Aklan
- Antique
- Capiz
- Guimaras
- Iloilo
- Negros Occidental
- Bohol
- Cebu City
- Lapu-Lapu City
- Mandaue City
- Cebu
- Bukidnon
- Cagayan de Oro City
- Camiguin
- Iligan City
- Misamis Occidental
- Misamis Oriental
- Davao de Oro
- Davao del Sur
- Davao Oriental. —FRJ, GMA News