Nagtambak na ang basurang hindi kinolekta ng sanitation workers sa New York City, USA na pinaniniwalaang nagpoprotesta dahil sa vaccine mandate o pagpipilit ng city government na bakunahan ang lahat ng empleyado ng lungsod.
Sa video post sa Twitter ng Agence France-Presse nitong Biyernes, makikita sa mga kalsada ng NYC sa Brooklyn, at sa Staten Island ang tambak-tambak na basura dahil hindi nangongolekta ang trash collectors.
Ayon sa ulat, nangyari ang tambak-tambak na hindi nakokolektang basura isang araw bago ang deadline ng sapilitang pagbabakuna sa city employees.
VIDEO: Trash piles up in New York as sanitation workers protest vaccine mandate.
— AFP News Agency (@AFP) October 29, 2021
Garbage is piling up on New York City streets in Brooklyn and Staten Island as sanitation workers delay garbage collection ahead of a Covid-19 vaccine mandate deadline ordered for city employees pic.twitter.com/HGnAkK0WbG
—LBG, GMA News