Nag-issue ang Amerika ng kauna-unahang passport na may 'X’ gender designation, ayon sa Ulat sa Unang Balita nitong Huwebes.

Ayon sa State Department, bahagi ito ng kanilang serbisyo sa lahat ng US citizen, ano man ang kanilang gender identity.

Hinahayaan na ring mamili ang mga applicant ng kanilang gender identity at hindi na kinakailangan ng medical certification para magsilbing patunay sa kanilang kasarian.

Pagdating naman ng 2022, magiging option na ang Gender “X” sa parehong pasaporte at birth certificate ng mga Americano.

Sa ngayon ay nasa labing isang (11) bansa na ang nagpapatupad na Gender “X” o ‘di kaya’y “other,” sa kanilang gender category. —Sherylin Untalan/LBG, GMA News