Pumanaw na sa edad na 78 ang dating presidential candidate na si Elly Velez Pamatong, ayon sa kaniyang tagapagsalita.
Sa isang pahayag, sinabi ni Rameses Javier Casten, na pumanaw si Pamatong noong July 24 dahil sa cardiac arrest.
“It is with profound sorrow and regret that I have to announce the passing of Atty. Elly V. Pamatong, Esq., last July 24, 2021, due to a cardiac arrest. He was 78,” saad ni Castel.
“This is contrary to the circulating speculation that he died of COVID-19, which we categorically and vehemently oppose and deny,” patuloy niya.
Ninais din umano ng pamilya na tahimik na maipagluksa ang pagpanaw ni Pamatong kahit hindi kaagad ipinaalam ang nangyari sa kaniya.
“I am of the conviction that despite the recent incidents and political activity, Atty. Pamatong became one of the active participants in the rich history of the politics in our country,” ayon kay Castel.
“It is wished, therefore, that we carry on his legacy with courage and resilience, and that his death be conveyed in an orderly manner worthy of his dignity and person,” patuloy niya.
Inilagay umano ang mga abo ni Pamatong sa isang chapel sa Bitas, Arayat, Pampanga, kung saan din siya binawian ng buhay.
Naging kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pumatong, na kumandidatong pangulo noong 2004 at 2010. — FRJ, GMA News