Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 sa ilang lugar sa dulong bahagi ng northern Luzon matapos mapanatili ng bagyong "Kiko" ang kaniyang lakas habang nasa karagatang sakop ng northeast ng Cagayan.
Sa anunyo ng PAGASA dakong 8:00 pm nitong Biyernes, nakataas ang TCWS No. 4 sa northeastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is.) at southern portion ng Batanes (Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana, Sabtang).
Nagbabala ang PAGASA sa mapanirang lakas ng hangin ng bagyo sa susunod na 12 oras.
Umiiral naman ang TCWS No. 3 sa extreme northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga); nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, at gayundin sa nalalabing bahagi ng Batanes.
Nakataas naman ang TCWS No. 2 sa northern, central, at eastern portions ng mainland Cagayan (Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Buguey, Santa Teresita, Tuguegarao City, Iguig, Amulung, Alcala, Allacapan, Lasam, Ballesteros, Abulug); northeastern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan); at northeastern portion ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol).
Ang TCWS No. 1 ay umiiral naman sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan; eastern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, Piddig, Solsona, Dingras, Sarrat, San Nicolas); nalalabing bahagi ng Apayao; northern portion ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal); eastern portion ng Mountain Province (Paracelis); northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong); northwestern at southeastern portions of Isabela (Santa Maria, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Cabatuan, Aurora, City of Cauayan, Angadanan, San Guillermo, Dinapigue, San Mariano, Cabagan, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini, Quirino, Burgos, Gamu, Ilagan City, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven); at northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran).
Nitong 7 p.m. ng Biyernes, ang mata ng bagyo ay nasa 190 kilometers east ng Aparri, Cagayan. Taglay ang pinakamalakas na hangin na 215 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugso ng hanggang 265 kph.
Kumikilos ito north-northwestward sa bilis na 15 kph.
Ayon sa PAGASA, malapit nang maging super typhoon category si "Kiko."
“The likelihood that this typhoon will reach the Super Typhoon category is not ruled out,” nakasaad sa anunsyo.
Inaasahan na mararanasan ang epekto ng ulan at hangin ni "Kiko" sa Cagayan, kabilang sa Babuyan Islands at Batanes sa Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng gabi.
Sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga inaasahang makalalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.--FRJ, GMA News