Pinagpapaliwanag umano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa umano'y kabiguan ng lokal na pamahalaan na maabot ang pamantahan ng gobyerno Anti-Drug Abuse Council noong 2018, isang taon bago pa siya mahalal na alkalde.
"Based on our assessment and verification in the 2018 Anti-Drug Abuse Council Performance Audit, you have failed to comply with the policy and program mandated to your office, specifically in meeting the standards and complying with the measures set forth by the National Drug Abuse Council Audit," nakasaad sa show cause order na may petsang July 9, na ipinadala ng source.
Ang naturang audit tungkol sa kabiguan umano ng Maynila na masunod ang anti-drug abuse policy ng gobyerno ay ginawa noong 2018.
Nanalong alkalde si Moreno noong 2019, kapalit ni dating mayor Joseph Estrada.
Sa naturang kautusan, inatasan si Moreno na tumugon sa loob ng 10 araw matapos matanggap ang abiso, "as to why they should not be held administratively liable" dahil sa kabiguan na maabot ang naturang pamantayan sa kampanya sa laban sa ilegal na droga.
Sa Facebook, sinabi ni Moreno: "Wow Galing ha! Sunod sunod na! #AlamNaThis."
Sinabi naman ng DILG na maglalabas ito ng pahayag kaugnay sa naturang usapin.—FRJ, GMA News