Dinala sa Makati Medical Center si Senador Richard Gordon nitong Miyerkules ng gabi dahil sa pneumonia na dulot ng COVID-19.
“Upon the advice of his physician, Senator Dick Gordon was admitted last night to the Makati Medical Center for observation and further testing related to COVID-19,” saad sa pahayag na inilabas ng kaniyang tanggapan nitong Huwebes.
“Senator Gordon is being treated accordingly and will remain at MMC until further notice,” dagdag nito.
Nitong Miyerkules ng umaga nang sabihin ng 75-anyos na senador ang pagkakaroon niya ng COVID-19.
Fully vaccinated na rin ang senador at asymptomatic o walang naramdamang sintomas.
Pero napansin daw niya ang pagbabago sa kaniyang kalusugan at hirap siyang makatulog.
Si Gordon ang ika-anim na senador na dinapuan ng COVID-19.
Dati ring nagpositibo sa virus sina Sens. Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Aquilino Pimentel III, Ronald dela Rosa, at Ramon "Bong" Revilla Jr.
Una nang ipinaliwanag ng Department of Health na maaari pa ring dapuan ng COVID-19 ang mga bakunado na. Pero mapapahina umano ng bakuna ang magiging epekto ng virus sa katawan upang hindi maging malubha ang kaso.--FRJ, GMA News