Hinimok ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang mga parokya sa kanyang diocese na hikayatin ang mga kabataan at first time voters na magparehistro at makibahagi sa nalalapit na national at local elections.

Ayon kay Bishop David, vice president ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang pagboto ay isang karapatan at tungkulin ng bawat mamamayan.

“Kapag hindi nagparehistro, sinasayang mo ang iyong pagkakataon na mag-participate sa political life ng ating bayan. You are a citizen.

Giit ng obispo, upang maisakatuparan ang obligasyon bilang mamamayan ng bansa ay ang unang hakbang ay magpatala sa Commission on Elections.

Ayon pa kay Bishop David, “Pagganyan tayo, we will always get the leaders we deserve.”

Una na ring itinakda ng Comelec ang pagtatapos ng voters registration hanggang September 30, kung kailan naabot na rin ng ahensya ang target na apat na milyong bagong nagpatala.

Base sa pinakahuling tala ng Comelec, aabot na sa 60 milyon ang registered voters para sa 2022 elections. —LBG, GMA News