Patay ang isang motorcycle rider matapos siyang masalpok at makaladkad ng isang 10-wheeler truck sa Makati City. Ang driver at pahinante ng truck, tumakas at iniwan ang kanilang sasakyan.
Sa ulat ni Mai Bermudez sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa Osmeña Highway sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City, kaninang umaga.
Sa kuha ng CCTV ng barangay, makikita na umarangkada ang biktima patawid ng Osmeña Highway nang mahagip siya ng humaharurot truck.
Sinasabing nag-beating the red light ang truck.
Iniwan ng driver at pahinante ang kanilang truck at tumakas.-- FRJ, GMA News