Kakaiba ang naging gastronomic experience ng ilang scientists matapos silang kumain ng ng hotdogs na inihaw nila gamit ang lava ng pumutok na bulkan sa Iceland.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing pinag-aaralan ng mga scientist ang pagputok ng bulkang Fagradalsfjall noong Biyernes.
Nagkatipon-tipon malapit sa bulkan ang ilang scientist at spectators dahil ikinonsidera lamang itong isang minor erruption at pahupa na.
Habang pinanonood ang lava flow, enjoy naman ang mga scientist sa pag-iihaw ng hotdog sa lava. —Jamil Santos/LBG, GMA News