Isinailalim ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang sarili sa quarantine matapos magkaroon ng COVID-19 at pumanaw ang kaniyang driver.
Nitong Lunes, sinabi ni Sotto na dalawang linggo ang kaniyang quarantine bilang pag-iingat.
Ngayong hapon din, sinabi ng alkalde na negatibo naman ang resulta ng kaniyang COVID-19 test.
“Negative ang result ng PCR test ko. Negative din ‘yong nakasama namin sa sasakyan,” saad ni Sotto sa kaiyang Twitter post.
NEGATIVE ang result ng pcr test ko.
— Vico Sotto (@VicoSotto) March 15, 2021
Negative din yung nakasama namin sa sasakyan.
Thank you for your messages and prayers.
Let's all do our part to prevent the spread of this virus and its variants. pic.twitter.com/utVmF9FaHd
Ayon kay Sotto, noong nakaraang Miyerkules niya huling nakita ang kaniyang driver bago dinala sa ospital.
Nitong Sabado, pumanaw ang naturang driver.
Ayon kay Sotto, itutuloy niya ang kaniyang quarantine kahit negatibo ang resulta ng kaniyang COVID-19 test bilang pag-iingat.--FRJ, GMA News