Inanunsiyo mismo ni Presidential spokesperson Harry Roque nitong Lunes na nagpositibo siya sa COVID-19.

“Positibo po ako para sa COVID-19. Nag-test po ako kahapon lamang dahil sa pagpupulong kay Presidente mamaya, at ngayon po lumabas na positibo,” sabi ni Roque sa kaniyang virtual press briefing.

"Sa akin pong close contact, kinakailangan niyo po mag-quarantine," dagdag niya.

Ayon kay Roque, nagnegatibo naman siya sa COVID-19 noong Marso 10, bago siya nagdaos ng press conference sa Ilocos Norte noong Marcos 12. —FRJ, GMA News