Maaaring makaranas ng pagkabaog ang mga lalaking nagkaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), base sa mga lumabas na pag-aaral.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing nadiskubre ng pag-aaral sa University of Miami sa Florida, USA, na may sira sa testes tissue ng mga pasyenteng pumanaw dahil sa naturang virus, kumpara sa testes ng mga pasyenteng namatay sa ibang sakit.

Dahil dito, apektado ang sperm production ng isang lalaking COVID patient.

Pareho ang lumabas na obserbasyon ng mga eksperto sa China nitong mga nakaraang buwan, kung saan nakita nila na inaatake umano ng immune system ng mga lalaking pasyente ang kanilang testes. —LBG, GMA News