Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na siyasatin ang ginawang pagbaril at pagpatay sa isang hukom sa Maynila nitong Miyerkules.
Binaril si Judge Maria Teresa Abadilla sa kaniyang opisina sa Manila Regional Trial Court Branch 45. Suspek sa krimen ang sarili niyang clerk of court na si Atty. Amador Rebato, Jr., na sinasabing nagbaril din sa sarili.
"Though Judge Abadilla's death appears to have arisen from an internal issue with her clerk of court, I have nonetheless directed the NBI to conduct a parallel probe, considering that the incident has implications on the personal security of our judges and justices," sabi ni Guevarra nitong Biyernes.
Inatasan naman ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, si Court Administrator Jose Midas Marquez na magpatupad ng mas mahigpit na seguridad para hindi na maulit ang insidente.
"The passing of Judge Abadilla is indeed a big loss to the Judiciary because I personally know her to be an upright and highly competent magistrate," ayon kay Peralta nitong Miyerkules.
Bago naging hukom, nagsilbi muna si Abadilla na law clerk sa SC ng mahigit 10 taon.
"She was a hardworking judge," ayon kay retired chief justice Lucas Bersamin. "Her death, which was senseless, diminishes us all."—FRJ, GMA News