Namumulot ng mga basurang plastic ang ilang estudyante sa Jakarta, Indonesia para may pambili sila ng WiFi access sa kanilang online schooling sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa ulat ng Reuters, sinabing nangongolekta ng basurang plastic ang ilang estudyante sa kanilang mga kapitbahay ngayong sarado rin ang kanilang mga eskuwelahan dahil sa lockdown.
Sa makukuha nilang 2.2 lb na basurang plastic, mayroon silang tatlong oras na access sa WiFi upang nakapag-online class na tatlong beses sa isang linggo.
With no internet access at home, Indonesians students trade plastic trash to study online https://t.co/5zOKHQNzxz pic.twitter.com/ClApwvBWY6
— Reuters (@Reuters) September 16, 2020
Samantala sa Bogor, West Java Province naman, inihahatid ng ilang volunteer ang online access sa mga estudyante sa tulong ng kanilang "Mobile WiFi.
Bukod sa kanilang service car na may mobile network transmitter, nagdadala rin ang mga volunteer ng mga laptop at cellphone para sa mga mag-aaral sa malalayong lugar.
"We heard complaints from students, especially those who live in remote areas. So we came up with the idea to help the kids in villages and that's why we created Mobile WiFi," sabi ni Abdul Manaf, head ng program volunteers.-- Reuters/Jamil Santos/FRJ, GMA News