Pinatitira pansamantala ng pamahalaang-lungsod ng Taguig City ang aabot sa 104 locally stranded individuals (LSIs) na dating nasa tabi-tabi lamang sa may Libingan ng mga Bayani at sa may Heritage Park.
Iniulat ni Bam Alegre sa sa "Unang Balita" na pansamantalang pinatira ng pamahalaang lungsod ang mga LSI sa isang covered court sa Barangay Pinagsama, at binigyan ng modular tents.
May ilan-ilan narin umanong LSI ang natulugan ng Taguig sa pagkuha ng health certificate at iba pang mga dokumento, at may ibang napauwi na rin.
Pero, ayon sa pamahalaang lungsod, hindi na sila maaaring tumanggap pa ng karagdagang mga LSI. —LBG, GMA News