Hindi dapat na gamitin bilang pamalit sa face mask ang face shield sa gitna ng banta ng COVID-19, ayon sa isang eksperto mula sa University of the Philippines.
Sinabi ni Dr. Edsel Salvaña na nababawasan ng face shield ang transmission, pero hindi ito kasing epektibo ng face mask, ayon sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles.
Sinabi pa ni Salvaña na mas maigi na parehong suotin ang face shield at face mask sa tuwing haharap sa mga tao o gagamit ng pampublikong transportasyon. --Jamil Santos/FRJ, GMA News