Hulicam ang pagnanakaw ng isang lalaki sa cellphone ng natutulog na tricycle driver sa Sampaloc, Maynila, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Martes.

Napag-alaman na kababata pa ng biktima ang suspek na si Erico Bernardo, na naaresto na ng mga pulis.

Ani Erico, wala siyang trabaho at kailangan niya ng pangkain kaya niya kinuha ang cellphone ng kababata niya.

Ayon naman sa pulisya, dati nang nakulong si Erico dahil sa iba't ibang kaso tulad ng rape at pagiging miyembro umano ng Bahala Na Gang.

Nahaharap si Erico sa kasong theft at paglabag sa curfew hours. —KBK, GMA News