Pinayagan na ng  Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang magkaangkas sa motorsiklo basta mag-asawa o magka-live in. Pero may mga kumukuwestiyon sa kaligtasan ng prototype design para sa harang o barrier ng rider at angkas niya.

READ: Motorcycle shield vs. COVID-19 can make rider lose control, says expert

Sa panayam ni GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, inihayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant Guillermo Eleazar, na patuloy ang pagtanggap at pag-aaral sa iba pang desisyon ng barrier na maaaring gamitin ng mga nagmomotorsiklo. Panoorin.


--FRJ, GMA News