Walang kawala sa mismong hepe ng Highway Patrol Group (HPG) ang mga pulis at iba pang motoristang dumaan sa mas maluwag na "bus lane" sa EDSA.
Sa ulat ni Mark Salazar sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, idinahilan ng ilang nasitang pulis na inakala nilang puwede silang dumaan sa bus lane dahil "frontliner" sila.
May mga motorista rin na nagpakilalang kawani ng pamahalaan, at may nagdahilan na nagmamadali na kasi para hindi mahuli sa trabaho.
Pero paliwanag ni Police Colonel Wilson Doromal, hepe ng HPG, tanging ang mga bus, at mga emergency vehicle lang ang maaaring dumaan sa bus lane. Panoorin ang video.--FRJ, GMA News