Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa C-5 Extension sa Las Piñas City nitong Linggo ng alas-tres ng madaling araw.

Unang inakala ng mga residente na nakatayo lamang ito at nakasandal sa may bakod, ayon sa ulat ni Mao dela Cruz sa Dobol B sa News TV na inere sa GMA News TV.

 

 

Nakatali ang mga kamay nito nang matagpuan kung kaya't hinihinalang biktima ito ng summary execution.

May tattoo ang lalaki sa binti.

Ayon sa mga residente, hindi raw ito tagaroon sa lugar nila.

May nakitang ID sa bulsa ang mga pulis na nag-iimbestiga, at ayon sa ID ay taga-Rizal ito.

Hindi pa tiyak kung ano ang ikinamatay ng lalaki.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay. —KG, GMA News